Nojoto: Largest Storytelling Platform
jhoooyyiiee8185
  • 1Stories
  • 4Followers
  • 4Love
    0Views

Jhoooyyiiee

  • Popular
  • Latest
  • Video
fc83bc3f068b42b050c496073d5a6db0

Jhoooyyiiee

Bituin ⭐

Sa dami nila ikaw ang aking napili
At sa daming pagkakataon kelan naman ba ako magwawagi
Ang aking puso'y hindi na naintindi
Lintik na pag-ibig ginagawang tanga ang aking sarili. 


Lumiwanag ka higit sa kaya ng iba
Kaya nama'y hindi na nagpaligoy ligoy pa't pinansin ka
Nagbabakasakaling iba ka sakanila
Iba ka nga ba?  O tulad ka lang din nila? 


Mahusay ka sa maraming bagay
Pero tayo?  Hindi pala tayo ang bagay
Ang pag ningning ko'y hindi pala para sayo
Siguro nga'y hindi nakatakda ang tayo sa dulo. 


Bituin bakit ka napundi?  Sana'y lumiwanag kang muli
At kahit hindi man ito para sakin
Pero sana'y may mapasaya ka'ng muli
At sana'y mag bago ang  mali mong mga gawi. 


Ngunit wag kang mag alala 
Ikaw parin ang nauna
Ikaw parin ang unang lumiwanag saki'ng mata
Pero... eto nalang pala talaga
Hanggang magkaibigan lang pala. 


Hindi ka na nagliliwanag bituin ko
Kasabay nun ang pag hampas ng sakin ng matinding lungkot
Sapagkat nagdilim na ang maliwanag kong mundo
At parang unti unti naring nabubura ang mga ala alang sabay nating binuo. 


Salamat sa pagkakataong pagbibigay sakin ng maliwanag na mundo
Salamat sa pagpapasaya sakin, at pati sa pagbuo ng dating sirang ako
Salamat saiyo... Pero
Di ko inakalang sisirain mo rin pala ako. 


Salamat Bituin ko 
Ika'y mananatili sa puso't isip ko
Marahil ay hanggang dito nalang tayo
Tandaan mong andito parin ako, kaibigan mo hanggang dulo. Bituin

Bituin

3 Love


About Nojoto   |   Team Nojoto   |   Contact Us
Creator Monetization   |   Creator Academy   |  Get Famous & Awards   |   Leaderboard
Terms & Conditions  |  Privacy Policy   |  Purchase & Payment Policy   |  Guidelines   |  DMCA Policy   |  Directory   |  Bug Bounty Program
© NJT Network Private Limited

Follow us on social media:

For Best Experience, Download Nojoto

Home
Explore
Events
Notification
Profile