Nojoto: Largest Storytelling Platform

Poot na nagniningas At sigaw na pinipigilang lumab

Poot na nagniningas
At sigaw na pinipigilang lumabas;
Bibig na may busal
At mga kamay na pilit pumipiglas;
Lupang sinilangan
Na buong-pusong pinaglingkuran;
Pamahalaang mapang-api
At mga huwad na haring ganid
Sa yaman at kapangyarihan.
Ano na ang kahihitnatnan 
Ng mga taong umaasa 
Sa 'yong salat na awa't kabutihan?
Isang kandila na lamang ang natitira;
Maya't maya'y ubos na.  "Gobyerno"
(Government)

#Gobyerno #Government #FilipinoPoetry #diwa #yqbaba
Poot na nagniningas
At sigaw na pinipigilang lumabas;
Bibig na may busal
At mga kamay na pilit pumipiglas;
Lupang sinilangan
Na buong-pusong pinaglingkuran;
Pamahalaang mapang-api
At mga huwad na haring ganid
Sa yaman at kapangyarihan.
Ano na ang kahihitnatnan 
Ng mga taong umaasa 
Sa 'yong salat na awa't kabutihan?
Isang kandila na lamang ang natitira;
Maya't maya'y ubos na.  "Gobyerno"
(Government)

#Gobyerno #Government #FilipinoPoetry #diwa #yqbaba
diwa8374914142456

Diwa

New Creator