Mga bitak sa lupa na animo'y inukit Ng tagtuyot na dumapo sa kalahatan; Mga mariing hikbi na pilit pinipigil Sa bawat paghuni Ng pangal nang orasan; Mga talang kumikislap at nagliliyab Sa gitna ng nakalulumong katahimikan-- Marahil, ang mga ito lang naman ulit Yaong mga mahahalagang palatandaan Ng isang marubdob na tunggalian Na malapit nang danasin Nitong pusong lugmok Sa walang humpay na pag-aamok Laban sa mga multo ng nakaraan. "Signos" TRANSLATION: Cracks in the ground As if carved by the drought That has infected everyone; Soul-shattering sobs,